'The Sanctuary' sa Hospicio binuksan

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang groundbreaking ceremony ng `The Sanctuary’ sa Hospicio de San Jose sa Quiapo, na magsisilbing tahanan ng mga naapi at naabusong kababaihan.

Ang bagong tayong gusali sa loob ng HSJ ay mula sa mga donasyon ng mga pribadong organisasyon at mula tulong ng city government.

Ayon kay Lim, sinisiguro niya na mabibigay ang sapat na tulong sa HSJ dahil ito ang siyang magiging silungan ng mga babaeng biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso. Aniya, ito ang siyang magbibigay ng bagong simula sa mga biktima.

Ayon naman kay HSJ Administrator Sr. Ma. Socorro Evidente, malaki ang kanyang pasasalamat kay Lim dahil sa tulong nito sa hospicio na kanyang naging tahanan sa kanyang pagkabata.

Show comments