^

Metro

Pumalag sa 4 na holdaper, negosyante, dedo

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasawi, habang sugatan ang tauhan nito matapos na pagbabarilin ng mga holdaper nang tumangging ibigay nito ang kanyang perang pinagbentahan ng panindang baboy sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

 Dead on arrival sa SDS Hospital si Meldar Nepomuceno, 58, ng no.4 Pricess Elaine Garden Compound, Narra St., Marikina Heights, Marikina City matapos na magtamo ng isang tama ng bala sa dibdib mula sa isang kalibre .45 pistola habang ginagamot sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang tauhan at kasambahay nito na si Raciano Delos Angeles, 20, matapos na barilin din sa likurang bahagi ng katawan.

 Mabilis namang tumakas ang apat na suspect, lulan ng kanilang motorsiklo, tangay ang di pa mabatid na salapi na napagbentahan ng biktima sa maghapong pagtitinda nito ng karne ng baboy.

 Sa ulat ni PO3 Bueneres Cruz, Jr., imbestigador ng Marikina City Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng bahay ng biktima.

 Kababa lamang ng sasakyan ng mga biktima at papasok na ng bahay nang biglang harangin ng dalawa sa apat na holdaper.

 Kaagad umanong tinutukan ng baril ng isa sa mga suspect ang biktima habang sapilitang inaagaw ng isa pa ang dala-dala nitong bag na kinalalagyan ng pera na maghapong kinita nito.

 Pumalag naman ang biktima at tumangging ibigay ang bag, sanhi upang barilin ito ng suspect sa dibdib, gayundin ang tauhan nito sa likurang bahagi ng katawan, habang nagtatangkang tumakas.

 Nang makuha ang pakay ay mabilis nang tumakas ang mga suspect sa hindi malamang direksiyon.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

BUENERES CRUZ

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA HEIGHTS

MELDAR NEPOMUCENO

NARRA ST.

PRICESS ELAINE GARDEN COMPOUND

RACIANO DELOS ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with