^

Metro

Pamangkin ng reporter, sinalvage ng tourist police?

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Sumisigaw ngayon ng hustisya ang pamilya ng biktima ng salvage sa May­nila na pamangkin ng isang reporter.

Bunsod nito ay puma­sok na sa imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) at National Police Commission (NAPOLCOM) para sa aga­rang ikalulutas ng krimen.

Sa dalawang pahinang affidavit sa CHR ni Pri­mi­tivo Su-ay, ama ng biktimang si Frederick Su-ay si­nabing inaresto ng apat na Tourist police sa Luneta ang kanyang anak noong Agosto, 20, 2011 ganap na alas-10:00 ng umaga ngunit noong Agosto 23, ganap na alas-10:00 ng gabi ay natagpuan ng patay ang kanyang anak sa likuran bahagi ng National Museum Taft Ave­nue, Maynila.

Ang biktimang si Fre­derick na pamangkin ng reporter na si Alex Balcoba ay natagpuang naliligo sa kanyang sariling dugo, may tama ng bala sa ulo at maraming sugat at pasa sa katawan na hinihinalang pinahirapan muna bago tuluyang pinaslang ng mga salarin.

Sentro ng imbestigayon ngayon ng CHR ang mga tauhan ng Tourist police, kabilang na ang isang police wo­man  na umaresto sa biktima dahil lamang sa kasong bagansiya makaraang ma­kita umanong sumisinghot ng rugby sa Luneta.

May ilang testigo na ang lumutang na nagpapatunay na dinakip ng mga pulis ang biktima at nagpahayag ng kanilang intensiyon na makikipagtulungan para ma­lutas ang kaso.

Umaasa ang pamilyang Su-ay na bago ihatid sa hu­ling hantungan si Frederick sa Manila North Green Park sa Miyerkules (Sept. 7) ay matutukoy na ang mga tou­rist police.

AGOSTO

ALEX BALCOBA

BUNSOD

FREDERICK SU

HUMAN RIGHTS

LUNETA

MANILA NORTH GREEN PARK

NATIONAL MUSEUM TAFT AVE

NATIONAL POLICE COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with