^

Metro

Manager inutas ng boyfriend

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang dalagang manage­r sa on-line casino ang pi­natay sa pamamagitan nang pag­saklob ng plastic bag sa mukha nito ng umano’y kanyang nobyo kamakalawa sa Makati City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Moline Atendido, 37, ng Brgy.San An­tonio Village ng nabanggit na siyudad.

Agad namang nadakip at nakapiit na sa Makati City Police detention cell ang suspek na si Andre del Pilar, 37, may asawa, isang sales agent, ng Mira Nila, Tandang Sora, Quezon City. Inihahanda na ang kaso laban dito. 

Sa isinumiteng report ni SPO1 Jayson David kay Supt. Jaime Santos, hepe ng Makati City Police, dakong alas-9:30 ng gabi nang matagpuan ang walang buhay na biktima sa loob ng condo unit nito sa Brgy. San An­tonio Village, Makati City.

Sa unang pahayag ng suspek sa mga pulis, duma­ting umano siya sa bahay ng biktima at nakita niya itong nakahiga at sa pag-aakalang natutulog lamang ito ay nakataklob ng kumot.

Ayon pa sa suspek, nang alisin niya ang kumot, tumambad ang wala nang buhay na biktima kung saan   nakataklob sa mukha nito ang isang plastic bag, na pinaniniwalaang naging dahilan ng kamatayan nito matapos itong ma-suffocate.

Sinabi pa ng suspek, na posibleng nagpakamatay ang biktima dahil may nakuha aniyang suicide note sa tabi ng laptop nito.

Subalit, nagduda ang mga imbestigador ng Makati City Police sa naging pahayag ng suspek dahil sa mga hindi tumutugmang pahayag nito.

Sa isinagawang pagsi­siyasat ng pulisya, luma­labas na mismong si Del Pilar­ ang posibleng pumaslang sa biktima kung kaya’t ka­agad itong dinakip ng mga pulis.

Inaalam pa ang motibo sa krimen, gayunman naka­tuon ang imbestigasyon sa anggulo ng selos.

vuukle comment

BRGY

DEL PILAR

JAIME SANTOS

JAYSON DAVID

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MIRA NILA

MOLINE ATENDIDO

SAN AN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with