^

Metro

Misyonaryong taga-New Zealand hinoldap ng riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang misyonaryong taga- New Zealand ang natangayan ng isang mamahaling laptop computer matapos holdapin ng riding-in-tandem sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ito ang nabatid makaraang dumulog sa tanggapan ng QCPD ang biktimang si Terrence Collins, 73, at residente ng San Juan City, para mag­reklamo.

Ayon kay Collins, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue ganap na alas- 10 ng umaga.

Bago umano ito, sakay siya ng kanyang Honda Civic (WSF-881) nang madiskubre nito na flat ang kanyang gulong.

Agad umano niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa isang fast food chain na matatagpuan sa kanto ng Tomas Morato at Roces St. upang magpalit ng gulong.

Kasalukuyang kinukumpuni niya ang gulong ng dumating ang kulay itim na motorsiklo sakay ang mga suspect. Isa sa mga ito ang biglang bumaba na armado ng kalibre 38 na baril at nagdeklara ng holdap.

Kasunod nito ay kinuha ng mga suspect ng dala niyang bag na naglalaman ng Lenova na laptop na nagkakahalaga ng P21,000 saka sumibat papalayo sa lugar.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente.

AYON

HONDA CIVIC

ISA

ISANG

NEW ZEALAND

ROCES ST.

SAN JUAN CITY

TERRENCE COLLINS

TOMAS MORATO

TOMAS MORATO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with