^

Metro

Bebot itinumba sa Malabon

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang hindi pa nakikilalang babae ng dalawang hindi nakikilalang lalaki ma­tapos magkaroon ng mainitang pagtatalo, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Namatay noon din ang biktima na inilarawan ng pulisya na nasa 15-18-anyos, 5 talampakan ang taas, nakasuot ng tube dress, may puting stripe, puting sandals at may tattoo sa likod na Tribal at Macklyn, nagtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa .9mm pistol.

Bukod sa biktima ay ina­alam din ng pulisya ang pagka­kakilanlan sa dalawang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang in­sidente alas-3:45 ng umaga sa may Martiniko St., Malabon-Navotas River, Brgy. Longos ng nasabing siyudad.

Ayon sa saksing si Jericho narinig umano niyang nagtatalo ang mga suspek at ang biktima kung saan sinabi pa ng isa sa mga ito na “matapang ka ba?”.

Kasunod nito, sunud-sunod na pinutukan ng mga suspek ang biktima saka mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon habang naiwan namang duguan at walang buhay na biktima.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy na nagsasa­gawa ng follow-up ang mga pulis hinggil sa insidente.                                                 

vuukle comment

AYON

BRGY

BUKOD

HABANG

KASUNOD

LONGOS

MALABON CITY

MALABON-NAVOTAS RIVER

MARTINIKO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with