^

Metro

Dahil sa tsinelas, obrero patay sa roommate na sekyu

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa tsinelas pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang factory worker ng kanyang roommate na security guard , kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Namatay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Felvin Mulle, 33, ng General Luis St., Brgy. Kaybiga ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Richard Angoy, ng nabanggit ding lugar.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa loob ng inuupahang kuwarto ng biktima at suspek.

Nauna rito nagtalo ang dalawa makaraang isuot ng suspect ang tsinelas ng biktima. Imbes na humingi ng pa­umanhin ay naasar at nagalit pa ang suspect kung saan kinuha nito ang kanyang baril at saka pinaputukan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

FELVIN MULLE

GENERAL LUIS ST.

IMBES

KAYBIGA

RICHARD ANGOY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with