^

Metro

LPGMA nag-rollback din

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Matapos na mauna ang mga kompanya ng langis, magkakaroon din ng sa­riling bawas-presyo ang mga miyembro ng Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) na sinimulan hatinggabi ng Huwebes.

Inihayag ni LPGMA Party­­list Rep. Arnel Ty na P1 kada kilo ng LPG ang kanilang ibabawas o ka­tumbas ng P11 kada 11-kilong­ tangke­ nito.

Dahil dito, P640 na lang ang suggested reference price (SRP) ng LPG ng Omni Gas, Pinnacle Gas, Island Gas, Cat Gas at Nation Gas mula sa P651 na presyo nito.

Nauna nang nagbawas ng P1.20 kada kilo ng kanilang LPG o P13.20 kada tangke ang Pilipinas Shell nitong Miyerkules ng hatinggabi na sinundan naman agad ng Petron.

Sa kabila ng pagsirit sa halaga ng ibang presyo ng pet­rolyo, bumaba naman umano ang presyo ng LPG sa internasyunal na mer­kado na kanilang hinahango.

ARNEL TY

CAT GAS

DAHIL

ISLAND GAS

LIQUEFIED PETROLEUM GAS MARKETER

NATION GAS

OMNI GAS

PILIPINAS SHELL

PINNACLE GAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with