^

Metro

Truck driver kinatay ng kapwa driver

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Selos ang sinasabing motibo sa pamamaslang ng isang truck driver sa kanyang kapwa driver sa gitna ng isang inuman sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Arturo Dasigao, tubong-Jiabong, Samar, at stay-in sa Khen Trucking na nasa panu­lukan ng Severino Reyes at P. Herrera St., Sta.Cruz, Maynila dahil sa tinamong saksak sa katawan.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspect na si Narciso Solis Jr., alyas “Tomas”, 43, isa ring truck driver sa nasabing trucking company makaraang tumakas ma­tapos ang insidente.

Ayon sa ulat, dakong alas- 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng closed van ng isang ten-wheeler truck na nakaparada sa harapan ng Khen Trucking.

Una rito, nag-iinuman ang biktima at mga kasamahan sa trabaho nang dumating ang suspect at nakisalo sa inuman.

Hindi pa man tapos ang inuman ay umalis ang suspect at nang bumalik ito ay armado na ng patalim at walang sabi-sabing inundayan ng ilang saksak ang biktima at saka mabilis na tumakas.

Nabatid na may narinig na tsismis ang suspect hingil sa relasyon o ugna­yan ng biktima sa misis ng suspect.

vuukle comment

ARTURO DASIGAO

AYON

CRUZ

HERRERA ST.

JIABONG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KHEN TRUCKING

MAYNILA

NARCISO SOLIS JR.

SEVERINO REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with