Rider patay sa bus

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata nang salpukin ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang pampasaherong bus kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang biktimang si Perigrine Abanes, 20, residente ng Dama de Noche, Pangarap Village, Brgy. 181, ng nasabing lungsod.

Nakilala naman ang suspect na driver na si Ervin Araza, 20, ng Project 6, Quezon City.

Dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Quirino Highway sa harap ng Banker’s Village Gate 4, Brgy. 184 Caloocan City.

Kasalukuyang binabagtas ng biktima ang lugar habang minamaneho ang kanyang Suzuki motorcycle (PI-1249) nang bigla na lamang mag-overtake sa isang sasakyan ang pampasaherong bus (TYK-448) na minamaneho naman ng suspek.

Hindi napansin ng biktima ang bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan na bus kaya’t hindi na nagawa pa nitong makaiwas dahilan upang salpukin ito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Show comments