^

Metro

Holdaper na riding-in-tandem, bugbog-sarado sa taumbayan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagmistulang lantang gulay ang dalawang holdaper na riding-in-tandem makaraang bugbugin ng taumbayan matapos na bumangga sa isang poste ang sinasakyan nilang motorsiklo sa pagmamadaling tumakas, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nailigtas naman sa posibleng kamatayan sa kamay ng taumbayan ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek na nakilalang sina Adrian Galla, 28; at Jonathan Aguilar, 24.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, dakong alas-11:45 ng gabi nang holdapin ng dalawang suspek ang mga biktimang sina Gina Catindig, 27; kapatid na si Trisha Anne, 10; mag-inang sina Gina Magno, 28 at Marriel, 16, habang nakatayo ang mga ito sa Dahlia St., Vergonvilla Subdivision, Pulanglupa 2, ng naturang lungsod.

Una umanong nagkunwaring naliligaw ang dalawang suspek at nagtanong sa mga biktima ng direksyon. Nabigla na lamang ang mga biktima nang maglabas ng baril at magdeklara ng holdap ang mga ito.

Nataranta naman sa takot ang mga biktima na nagsisigaw kung saan nakuha ang atensyon ng mga kalalakihan sa naturang lugar. Masuwerte namang hindi namaril ang mga holdaper na nagpasyang tumakas na lamang ngunit sa kanilang pagma­madali ay nawalan ng kontrol sa motorsiklo hanggang sa tuluyang bumangga­ sa isang poste ng kuryente.

Dito inabutan ng taumbayan ang dalawang suspek na pinagtulungang gulpihin. Naawat lamang ang pambubugbog sa mga suspek nang dumating na ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 na siyang umaresto sa mga ito.

Nakumpiska sa mga suspect ang paltik na baril pati na ang motorsiklo na may tunay na plakang 7760WR na kanilang binura at ginawang 7760 HR.

ADRIAN GALLA

CITY POLICE

DAHLIA ST.

GINA CATINDIG

GINA MAGNO

JONATHAN AGUILAR

LAS PI

POLICE COMMUNITY PRECINCT

TRISHA ANNE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with