^

Metro

Sekyu patay sa boga

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang security guard ang nasawi makaraang pagba­barilin ng isang naka-motorsiklong lalaki habang ang una ay nagbabantay sa isang subdibisyon sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Rolando Apalia, 48, ng Regent Security Agency and Pro­tective Services Inc. at re­si­dente ng Mayhaligue St., Tondo, Manila.

Patuloy naman ang pagsi­siyasat ng pulisya upang matukoy ang salarin na mabilis na tu­makas matapos ang isinagawang pamamaril.

Sa ulat, nangyari ang insi­dente sa may Block 5, Lot 25, North Subdivision, Brgy. North Fairview sa lungsod ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.

Ayon kay Junelo Powao, nasa loob siya ng bahay ng marinig niya ang mga putok ng baril kaya nilabas niya ito kung saan sa di kalayuan ay nakita niya ang isang lalaki na nagmamadaling sumakay sa isang Furry Kawasaki motor­cycle at pinaharurot ito papalayo. Ilang sandali pa ay natagpuan na lang niya ang biktima na duguan at nakahandusay.

Samantala, blanko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

vuukle comment

AYON

FURRY KAWASAKI

JUNELO POWAO

MAYHALIGUE ST.

NORTH FAIRVIEW

NORTH SUBDIVISION

REGENT SECURITY AGENCY AND PRO

ROLANDO APALIA

SERVICES INC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with