Killer ng apo ni Dolphy timbog

MANILA, Philippines - Matapos ang walong taong pagtatago sa batas, nasakote ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang panguna­hing suspect sa pagpatay sa apo ng Comedy King na si Dolphy­ sa isinagawang ope­rasyon sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Mark Kevin Lapuz, alyas Macmac, 25, ng Block 9, Lot 5, Thaddeus St., San Pedro 7, San Bartolome, Novaliches ng lungsod.

Si Lapuz ay natunton sa hideout nito sa Door 112, Del Nacia Drive, Brgy. Talipapa, Novaliches bandang alas-7:30 ng gabi.

Si Lapuz ang isa sa pangunahing suspect sa pamamaril at nakapaslang sa apo ni Dolphy na si Jerome Carlo Quizon sa La Loma, Quezon City noong Disyembre 18, 2004.

Nabatid na 17-anyos pa lamang si Quizon nang mang­yari ang trahedya.

Ayon sa rekord, kalalabas lamang ng batang Quizon sa Lourdes Church sa La Loma, Quezon City matapos itong dumalo sa Misa de Gallo kasama ang ilang mga kaibigan nang pagbabarilin ng suspect at ng apat pa nitong kasamahan na dumating sa lugar sakay ng isang tricycle.

Show comments