^

Metro

German, nadulas patay

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang German national na unang nadulas sa Bahrain Airport patungong Pilipinas nang makaramdam ito ng pananakit ng katawan.

Sa Medical Center Manila (MCM) na namatay kamakalawa ng hapon si Werner Adolf Nordotti, 56, may-asawa, electrician, at tubong Osnadrick Ger­many at pansamantalang nanunuluyan sa Room 411-C Aloha Hotel  sa Roxas Blvd.Ermita, Maynila.

 Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Jerry Rivera, ng Manila Police District-Homicide Section,  dumating sa bansa ang biktima kasama ang kanyang Filipinang asawa na si Rowena­ Nordotti noong Linggo ng umaga.

Nabatid kay Rowena na nadulas umano ang kanyang mister sa airport sa Bahrain at nang tumayo ito ay nakaramdam na ito ng pananakit ng  kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Nang makarating sa Maynila ganap na alas-6:00 ng hapon noong Linggo, agad na dinala ang biktima sa San Juan de Dios Hospital ngunit pinauwi rin ito ng mga doktor.

Tumuloy naman ang mag-asawa sa nasabing hotel subalit hindi nawawala ang pananakit ng katawan ng biktima kung kaya’t muling dinala ito sa MCM hanggang sa malagutan ng hininga.

Ipinagbigay-alam na ng MPD sa German Embassy ang insidente habang inilagak naman sa Harold Funeral Parlor ang labi ng biktima.

vuukle comment

BAHRAIN AIRPORT

C ALOHA HOTEL

DIOS HOSPITAL

GERMAN EMBASSY

HAROLD FUNERAL PARLOR

JERRY RIVERA

LINGGO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with