^

Metro

Totoy nalunod sa Pasig River

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang na­lunod ang 8-taong gulang na batang lalaki na naligo sa ilog noong Biyernes ng hapon at lumutang lamang ang bangkay sa Pasig River, sakop ng Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Sr. Insp. Armand Macaraeg ang biktimang si Eman Eric Carsolin, grade 3 student, at residente ng #505 Sampaguita St., Punta, Sta. Ana,  Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Gerry Rivera, dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima at iniahon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, na nakatalaga sa PUP Ferry Station.

Positibong kinilala si Carsolin ng kanyang ama. Aniya, noong Biyernes dakong alas-3 ng hapon ay na­laman nilang nagtungo umano sa ilog ang biktima upang maligo. Hindi na umano umuwi ito ng bahay.

Dinala ang bangkay sa Saint Harold Funeral Homes.   

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

BIYERNES

EMAN ERIC CARSOLIN

FERRY STATION

GERRY RIVERA

MAYNILA

PASIG RIVER

PHILIPPINE COAST GUARD

SAINT HAROLD FUNERAL HOMES

SAMPAGUITA ST.

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with