^

Metro

Pulis, 1 pa timbog sa pagbebenta ng nakaw na motorsiklo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nadakip ang dalawang kalalakihan kabilang ang isang bagitong pulis sa isang entrapment operation matapos mahulihan na nagbebenta ng mga nakaw na motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakakulong sa  Caloocan City Police detention cell ang mga suspect na sina PO1 Eduardo Lomboy Jr., 29, nakatalaga sa Public­ Safety Battalion ng Southern Police District (SPD) at Je­rome Aniscal, 25, kapwa naninirahan sa Block 17, 7th St., Zone 1C, Brgy. Bicutan, Taguig City.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Pidencio Sa­ballo, Jr., ng Caloocan City Police, dakong alas-7:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspect sa harapan ng Sogo Hotel, mata­tagpuan sa kahabaan ng EDSA, Caloocan City.

Nakatanggap ng im­por­masyon ang mga tauhan ng Anti-Car­napping Unit ng Caloocan City Police hinggil sa pagbebenta ng nakaw na motorsiklo ng mga suspect.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang inabot na ng mga suspect ang pera bilang kabayaran sa ibine­bentang nakaw na mga motor­siklo ay agad na dinakma ang mga ito ng mga nakakubling pulis.

Sa himpilan ng pu­lisya, saka lamang nalamang  pulis ang suspect na si Lomboy matapos itong makuhanan ng iden­tification card at ang service pistol nito.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EDUARDO LOMBOY JR.

PIDENCIO SA

SAFETY BATTALION

SHY

SOGO HOTEL

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with