Driver grinipuhan ng barker

MANILA, Philippines - Nasa kritkal na kalagayan ang isang 35-anyos na driver matapos saksakin ng barker sa ginawang illegal terminal ng pampasaherong jeepney sa Sta.Mesa,  Maynila, kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa leeg at bahagi ng dibdib ang biktimang si Rodolfo Gonzales Estrada ng no. 1435- C G. Masangkay St., Tondo, Maynila.

Sa joint follow-up operation ng mga tauhan ni P/Supt. Jimmy Tiu at P/Chief Insp. Vicente Arnante, nadakma ang suspek na si Virgilio Lalic, 42, ng #366 Valencia St., Sta. Mesa, Maynila.

Sa police report, lumilitaw na nasa loob ng kanyang jeepney na nakaparda sa kahabaan ng Legarda Street sa gilid ng Sto. Tomas Dormitory nang lapitan at pagsasaksakin ang biktima.

Show comments