^

Metro

Estudyante pisak sa gumuhong pader

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi inakala ng isang estudyante mula sa computer university na makakasalubong niya si kamatayan makaraang madaganan ng pader na gumuho sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO3 Rey Anin, ang biktima na si Mark Errol Collipano, computer technology stu­ dent sa Ama Computer University.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Cen­ter at Bernardino General Hospital ang mga sugatang sina Vicente Abaga Jr., at Alvira Fernando.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng pulisya, naganap ang insidente sa kahabaan ng Quirino High­way sa panulukan ng Gen. Luis sa gilid ng Noval Plaza, Barangay Nova Proper.

Lumilitaw na nagla­lakad si Collipano at ang dalawang biktima sa gilid ng ginibang gusali nang biglang gumuho ang may 20 talampakang taas na pader.

Tinangka pang sagipin ng mga sumaklolong rescue team ang biktima mula sa ilalim ng gumuhong pader, subalit patay na.

Nawasak din ang ka­rin­derya na nasa gilid ng pader kung saan wala namang iniulat na nasugatan sa loob ng kainan.

Pinag-aaralan naman ng pulisya ang kaukulang kaso na isasampa laban sa may-ari ng gusali na pinaniniwalaang napabayaan sa matagal na panahon.

ALVIRA FERNANDO

AMA COMPUTER UNIVERSITY

BARANGAY NOVA PROPER

BERNARDINO GENERAL HOSPITAL

EAST AVENUE MEDICAL CEN

MARK ERROL COLLIPANO

NOVAL PLAZA

QUEZON CITY

QUIRINO HIGH

REY ANIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with