2 investigating team tututok vs 2,000 container van na naglaho
MANILA, Philippines - Dalawang investigating teams ang binuo ng Bureau of Customs na tututok sa kaso ng nawawalang halos 2,000 container van na patungong Batangas mula sa Port of Manila.
Itinalaga ni Customs Intelligence chief Jose Yuchonco kahapon ang dalawang grupo para sa pagtunton sa mga nawawalang container van na naglalaman ng plastic resins, textiles, pagkain at mga kagamitan na mula China, Taiwan, Singapore at Malaysia.
Sa record ng BOC, nasa 2,219 transshipment permits ang naiproseso subalit natuklasan na nasa 309 lamang ang may acknowledged receipts mula sa Batangas District Office.
Binigyan ng dalawang linggong palugit ang investigating teams para tukuyin ang nawawalang kargamento.
Nabatid na una nang inatasan ni Customs Commissioner Angelito Alvarez si Yuchonco na tugisin ang mga responsable sa pagkawala ng container van para ipagharap ng kaukulang kaso.
- Latest
- Trending