^

Metro

318 opisyal ng PNP sasailalim sa PESE

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Aabot sa 318 opisyal ng Philippine National Police ang sasailalim sa pagsusulit ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa buong bansa ngayong araw.

Ang pagsusulit na Police Executive Service Eligibility (PESE) ay para sa opisyal ng pulisya na may ranggong colonel  kung saan inoobligang kumuha nito  upang tumaas ang ranggo bilang senior superintendent (full pledge colonel) at maging heneral.

Idaraos ang pagsusulit sa mga strategic testing center sa Luzon, Visayas at Mindanao.  

Kabilang sa mga testing center ng pagsusulit ay ang Camp Crame, Quezon City na pinaniniwalaang aabot sa 299 opisyal ng PNP ang kukuha habang sa Univer­sity of Cebu, Banilad City ay 39 naman ang sasailalim sa pagsusulit at ang mga taga Mindanao naman ay sa Davao Doctors College sa Malvar Street, Davao City  na nasa 50 pulis.

Ayon sa NAPOLCOM, ang pagsusulit ay naka­sentro sa executive emotional quotient inventory, leadership competency assessment, moral develop­ment, job knowledge, communication skills assessment at ang creative development management.

Nabatid kay NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Eduardo­ U. Escueta,may dalawang uri ng pagsusulit, ang written­ examination at panel interview kung saan naka-dress code (barong) ang mga sasailalim sa pagsusulit.

BANILAD CITY

CAMP CRAME

DAVAO CITY

DAVAO DOCTORS COLLEGE

MALVAR STREET

MINDANAO

NATIONAL POLICE COMMISSION

PAGSUSULIT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with