Binata dinedo sa harap ni inay

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata matapos na tadtarin ng bala ng isang hindi nakikilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang nanay sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang nasawi na si Christopher Magtalas, 35, ng Dinalupihan St., Tondo Manila.

Mabilis namang tumakas ang salarin matapos ang pamamaril. Nangyari ang insidente malapit sa Prime Funeral Parlor sa Sapang Palay ganap na alas-12 ng madaling-araw.

Diumano, nagtungo sa nasabing pune­rarya ang biktima para humingi ng pera sa kanyang nanay na si Christy na nagtatrabaho rito. Habang kausap ng biktima ang ina ay biglang sumulpot ang suspect na armado ng baril at pinagbabaril ang una saka tumakas.

Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa ulo at katawan Narekober sa lugar ang may 11 basyo ng bala ng kalibre 45 baril na ginamit ng suspect sa pamamamaril sa biktima. Inaalam pa ng pulisya ang mo­tibo ng pamamaslang sa biktima.

Show comments