^

Metro

Bodega ng mga pekeng bag, sinalakay ng BOC

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang isang warehouse sa Binondo, Maynila na ginagawang imbakan ng mga smuggled na pekeng produkto.

Mismong si Customs Commissioner Angelito Alvarez ang nanguna sa raid kung saan nakumpiska ang mga pekeng bag na kinabibilangan ng trademarks na Louis Vitton, Gucci, Channel at Burberry.

Ayon kay Alvarez, tinatayang aabot sa mahigit P70 milyon ang halaga ng mga nasamsam nilang mga produkto sa ika-apat na palapag ng Kings Plaza building.

Agad namang inerekomenda ang pagsira sa mga nasamsam na mga pekeng produkto.

Ito na ang pangalawang warehouse ng mga counterfeit bags na sinalakay ng BOC sa loob lamang ng buwang ito na nagsanhi sa mahigit isang bilyong pisong pagkalugi sa kita ng ahensiya o buwis para sa gobyerno.

ALVAREZ

AYON

BINONDO

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER ANGELITO ALVAREZ

GUCCI

KINGS PLAZA

LOUIS VITTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with