^

Metro

SK chairman nabigti sa nakalaylay na kable

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) chairman ang nasawi nang aksidenteng sumabit at nabigti sa nakalaylay na cable wire habang nagmamaneho ng motorsiklo at binabagtas ang bangketa sa tapat ng Paraiso ng Maynila sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District Homicide Section, binawian ng buhay sa

Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktimang si Julius Ceasar Catipon, 4th year high school, SK Chairman ng Barangay 720, Zone 78, District 5 at residente ng Leveriza St., Malate, Maynila.

Dakong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa sidewalk sa Paraiso ng Maynila sa Adriatico St., Malate.

Nabatid na ang biktima ang nagmamaneho ng motor­cycle service ng kanilang barangay at angkas niya ang isang Abedigo Agustin, 16, nang sumampa sila sa bangketa subalit hindi umano napansin ang nakalaylay na kable kung saan sumabit ang ulo ng biktima at nabigti.

Nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima kaya’t bumagsak sila ng angkas­ nito.

Iniimbestigahan pa ang insidente upang matukoy ang responsable sa nakalaylay na kable na nagdulot ng disgrasya at pagkamatay ng biktima.

ABEDIGO AGUSTIN

ADRIATICO ST.

ARMAND MACARAEG

AYON

JULIUS CEASAR CATIPON

LEVERIZA ST.

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PARAISO

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with