^

Metro

Beerhouse, restaurant sa Makati, bawal maghain ng beer sa magmamanehong kostumer

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inamiyendahan ngayon ng Makati City Council ang isang ordinansa na nagbabawal sa pagmamaneho ng nakainom ng alak sa mga kalsada sa lung­sod kung saan pinagbawalan rin ang mga beerhouse, restoran at iba pang establisimiyento na maghain ng alak sa mga kustomer na nagmamaneho ng sasakyan.

Ayon kay Makati City Mayor­ Junjun Binay, nilag­daan na niya ang inamiyendahang City Ordinance No. 2011-010 na magtatakda ng pagkakakulong o pagbabayad ng P2,500 multa sa mga tsuper na nagmamaneho ng lasing o nasa ilalim ng impluwensiya ng illegal na droga.

Irerekomenda rin ng lokal na pamahalaan sa LTO ang pag­bawi o suspensiyon sa lisensiya ng mahuhuling lasing na driver at pagpapa-impound sa kanyang sasakyan batay sa ilalim ng probisyong isinasaad sa 2003 Traffic Code.

Nakasaad rin sa isa sa pro­bisyon ang pagbabawal sa mga establisimiyento na mag­hain ng alak sa mga kustomer na nagmamaneho ng sa­sak­yan. Kailangan rin na magkabit ang mga ito ng mga paalala tulad ng posters sa kanilang lugar ng negosyo na nagpapaalala sa pagbabawal sa pagmama­neho ng nakainom.

Ang mga negosyong lalabag dito ay papatawan rin ng multang P2,500 at pagkasuspinde ng kanilang business permit sa unang paglabag.

Mas pinahigpit rin ang pag­ ba-ban sa mga tricycle sa lahat ng national roads sa lungsod kung saan kabilang na rito ang lahat ng kalsada sa loob ng Central Business District habang itinataas rin ang multa sa P1,000 buhat sa dating P500 at pag-impound sa behikulo.

Sa pinakahuling datos ng Makati Command Control and Communications Center, na­ka­­pagtala na ng kabuuang 781 aksidente sa kalsada sa lungsod mula Enero hanggang Hulyo ngayong 2011, habang sa buong 2010, nakapagtala ng 1,434 aksidente sa lungsod.

CENTRAL BUSINESS DISTRICT

CITY ORDINANCE NO

JUNJUN BINAY

MAKATI CITY COUNCIL

MAKATI CITY MAYOR

MAKATI COMMAND CONTROL AND COMMUNICATIONS CENTER

RIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with