^

Metro

3 biktima ng salvage itinapon sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nakagapos ang mga ka­may, may tapal ng packaging tape ang mga bibig at may mga saksak ang katawan.

Ito ang karumal-dumal na kalagayan ng tatlong kalalakihang natagpuang walang buhay habang magkakasamang nakasilid sa isang itim na garbage bag sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Modesto Juanson, ng CIDU ng QCPD, ang mga biktima na pawang walang pagkakakilanlan ay pawang mga nasa edad na 40-45; may mga tattoo ng spider sa kanang kamay ang isa, habang tattoo naman sa ka­liwang braso ang isa pang biktima.

Ayon kay Juanson, ang mga biktima ay natagpuan ng isang mangangalakal ng ba­sura na si Reynaldo Orqueza matapos na itapon umano ito ng isang van sa may madilim na lugar sa kanto ng Min­danao Avenue at Road 8, Brgy. Pag-asa sa lungsod, ganap na alas-3 ng madaling-araw

Sinasabing sakay ng kanyang bisekleta si Orqueza at tinatahak ang naturang lugar nang mapuna ang isang van na nagtapon ng basura dito.

Sa laki ng garbage bag na itinapon, unang inakala ni Orqueza na basurang mara­ming mapapakinabangan ang laman nito, subalit nang kanyang tingnan ay nagulat na lamang ito ng mapuna ang naka-usling paa ng tao na pawang duguan.

Agad na ipinaalam ni Orqueza ang nasaksihan sa opisyales ng barangay na siya namang humingi ng ayuda sa pulisya para sa masusing pagsisiyasat. Dito ay natuklasan ang bag na naglalaman ng mga bangkay ng biktima na duguan at magkakapatong.

Hinala ng pulisya, posibleng ang mga biktima ay pi­natay sa ibang lugar at iti­­­napon lamang dito para iligaw ang imbestigasyon. Sa kasalukuyang patuloy ang pag­sisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.

Samantala, isang 30-anyos na lalaki na pamangkin ng isang mamamahayag na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa kalye sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Frederick Suay, ng Flores St., Ermita at pamangkin ng re­por­ ter na nakatalaga sa MPD Press Office na si Alex Balcoba.

Dakong alas-10:00 ng gabi ng Martes nang mapansin ng isang basurero ang bangkay na nakabulagta at duguan.

Sa pagsusuri, nakita na nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa mukha at lumusot sa kanang sentido at tama rin ng bala sa likod.

Sa pahayag ni Balcoba, si­nabi sa kaniya ng mga ma­gulang ng biktima, na sina Primitivo Suay, 58 at Blesilda Suay, 53, tatlong araw na ang nakalipas nang arestuhin umano ang biktima ng mga pulis­. Hindi naman umano kilala ang mga pulis at kung saan nakatalaga dahil ibinalita lamang ito sa kanila ng mga ka­ibigang nakakita. (Ludy Bermudo)

ALEX BALCOBA

BIKTIMA

BLESILDA SUAY

ERMITA

FLORES ST.

FREDERICK SUAY

ORQUEZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with