^

Metro

50-anyos natusta sa sunog

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 50-anyos na caretaker sa isang ancestral house sa Mandaluyong City makaraang makasama sa nasunog na bahay kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay nakilalang si Cristita Ibo, 50, caretaker sa ancestral house ni Ramon Jerencio na nasa Lauzon St., Brgy. Bagong Silang, Mandaluyong City.

Sa ulat ni SFO1 Victorio Tablay, arson investigator ng Mandaluyong City Fire Department, nabatid na ang sunog ay naganap dakong alas-3:42 ng madaling-araw at tumagal ng isang oras bago tuluyang naapula.

Ayon kay Tablay, halos hindi na makilala ang sunog na sunog na bangkay ng biktima na natagpuan malapit sa exit door ng nasunog na tahanan.

Posible umanong nagtangkang lumabas ng bahay ang biktima pero hindi na nito nagawa dahil sa ‘suffocation’ at pagkakaroon ng sakit na ashma dahil sa makapal na usok hanggang abutin ng apoy.

Sa inisyal na report, sinasabing nagsimula ang sunog sa kisame ng bahay at dahil gawa ito sa kahoy at may kalumaan na kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog at tinatayang nasa P1-milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa nasa­bing insidente. Patuloy pa rin itong iniimbestigahan ng arson investigator­ ng Mandaluyong fire department.

AYON

BAGONG SILANG

BRGY

CRISTITA IBO

LAUZON ST.

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY FIRE DEPARTMENT

RAMON JERENCIO

VICTORIO TABLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with