^

Metro

Presyo ng petrolyo, umarangkada na naman

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kabaligtaran ang inaasahang patuloy na pagbaba sa presyo ng petrolyo makaraang muling nagpatupad ng pagtataas ng kanilang presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa dahil sa pagtaas umano ng halaga nito sa internasyunal na merkado.

Pinangunahan muli ng Pilipinas Shell ang pagtataas ng P1.40 kada litro ng unleaded gasoline, P0.90 sentimos sa regular gasoline at P0.40 sentimos sa diesel at kerosene na epektibo ng alas-12:01 ng hatinggabi.

Dakong alas-6 naman ng umaga nang sumunod dito ang Chevron Philippines, Seaoil at Eastern Petroleum ng kaha­lintulad na mga halaga.

Ikinatwiran ng mga kompanya ng langis na nagkaroon umano ng pagtaas sa presyo ng langis sa internasyunal na pamilihan base sa “Mean of Platts Singapore (MOPS)” na kanilang sinusundan sa pres­yuhan sa Pilipinas.

Ang pagtataas ay makaraan naman na unang mag-anunsyo ang Department of Energy (DOE) kamakalawa na may magaganap na “oil price increase” na siyang tinutoo ng mga kompanya ng langis.

Tiniyak naman ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na magpapatuloy ang kanilang panga­ngalampag sa tanggapan ng mga dambuhalang kompanya ng langis upang gisingin ang mga ito sa sobrang kita sa pamamagitan ng pagpapairal ng kartel.

Sinabi ni George San Ma­teo, secretary general ng PISTON na hindi sila titigil sa pangangalampag, hindi lamang sa mga tanggapan ng mga dambuhalang kompanya ng langis kundi maging sa administrasyong Aquino upang hilingin ang pagbasura sa Oil Deregulation Law. 

Dismayado umano sila sa pamahalaang Aquino sa kawalang-aksyon upang makontrol ang pagmamalabis ng mga kumpanya ng langis kung saan puro salita lamang ang ginagawa at walang totoong aksyon.

AQUINO

CHEVRON PHILIPPINES

DEPARTMENT OF ENERGY

EASTERN PETROLEUM

GEORGE SAN MA

LANGIS

MEAN OF PLATTS SINGAPORE

OIL DEREGULATION LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with