^

Metro

Special lane para sa OFWs, inilaan ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Inaksiyunan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang concern ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pang nais mamasukan sa ibayong dagat hinggil sa abala o bagal sa pagkuha ng NBI clearance.

Upang mapabilis, sinabi ni Atty. Reynaldo Esmeralda, NBI deputy director for technical services na naglagay na sila ng special lane para sa OFWs.

Ikinonsidera ng NBI ang hinain ng ilang recruitment companies kabilang ang Filipino Association Manpower Exporters, Inc. (Fame) at OFWs na mawawala ang oportunidad nila na makaalis patungo sa destinasyong bansa kung natatagalan ang NBI sa pag-iisyu ng clearance certificates.

Noong nakalipas na buwan, nang pasimulan ang Biometric Clearance System (BCS) dinagsa ng reklamo ang NBI sa mabagal na serbisyo o pag-iisyu ng clearance dahil sa makabagong sistema kung saan ang computer na ang kukuha ng litrato at fingerprints ng aplikante maging local o abroad.

Ang FAME ay may 700 miyembro sa iba’t-ibang bansa na nagde-deploy ng OFWs.

Pinasalamatan naman ng grupo ang tugon ni NBI Director Magtanggol Gatdula dahil sa pagpapabilis ng pag-iisyu ng NBI sa mga aplikante na magta­trabaho sa abroad.

Nasubukan na rin kaagad ng FAME ang special lane ser­vices nang i-endorso nila ang 29 workers patungong Guam na mabilis nakakuha ng renewal ng NBI certificates. 

BIOMETRIC CLEARANCE SYSTEM

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

FILIPINO ASSOCIATION MANPOWER EXPORTERS

IKINONSIDERA

INAKSIYUNAN

NASUBUKAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

REYNALDO ESMERALDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with