Bebot utas sa illegal na droga

MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng pulisya kung may ka­ugnayan sa ben­ta­han ng iligal na droga ang pamamaslang sa isang babae na walang awang binaril at pinagsasaksak kahapon ng madaling-araw sa Ma­labon City.

Bagama’t naisugod pa sa Tondo Medical Center (TMC) binawian din ng buhay si Jennifer Doble, 29, ng Block. 27 Lot 20 Phase 2, Area 1, Navotas City.

Wala namang ma­kuhang saksi ang pulisya sa lugar ng krimen­ upang kilalanin ang tumakas na sa­larin.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang pamamaril dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa kahabaan ng Block 12 Alley, Brgy. Longos, ng naturang lungsod. 

Ayon sa ilang residente, nakita nilang ka­­usap ng biktima ang isang lalaki na hindi pinanga­lanan na umano’y kilabot na tulak ng iligal na droga sa naturang lugar.

Dito umano sumulpot ang salarin na agad na binaril ang biktima at saka dalawang ulit na sinaksak at saka mabilis na tumakas.

Show comments