^

Metro

Namamalimos, natutulog sa kalye bawal na sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Huhulihin na at ka­kasuhan ang mga magulang ng mga batang namamalimos at pa­kalat-kalat na natutulog sa mga kalye at sidewalks sa Maynila.

Ito’y matapos na ma­ipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Konseho ng Maynila noong Agosto 11 ang “Anti-Child Endangerment Law of the City of Manila”, na naglalayong parusahan ang   magulang o sinumang mag-aabandona o ga­gamit sa isang menor- de-edad kung saan nalalagay sa panganib ang buhay ng mga ito.

Ayon kay Manila 2nd District Councilor Rod Lacsamana, may akda sa ordinansa, layunin nitong maturuan ng lek­siyon at maparusahan ang mga magulang na nagpapabaya sa kanilang mga anak.

Sinabi ni Lacsamana na hindi dapat na nila­lagay sa anumang pa­nganib ng isang magulang ang kanilang mga anak at walang anumang proteksiyon.

Ipinaliwanag ni Lacsamana na maraming batang nagpapalimos at gumagala sa kalsada ang karaniwang nagi­ging biktima ng krimen tulad ng pagkakasagasa at ginagamit ng mga sindikato.

Dahil dito, maaaring ma­kulong ng isa hanggang anim na buwan at multang P2,000 hanggang P5,000, depende sa edad ng bata, ang sinuman na mapapatunayang nagpapabaya.

Giit pa ni Lacsamana, ang magulang ang siyang­ dapat na gu­magabay sa­ maayos na paglaki ng kanilang mga anak at hindi dapat na ginagamit para sa kanilang kapakanan.

Dapat ding tiyakin ng mga magulang na mabi­bigyan ng sapat na edukasyon at kalinga ang mga anak at hindi dapat na iniiwan o pinababayaan.

AGOSTO

ANTI-CHILD ENDANGERMENT LAW OF THE CITY OF MANILA

AYON

DAHIL

DISTRICT COUNCILOR ROD LACSAMANA

LACSAMANA

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with