^

Metro

Pedicab driver tinadtad ng bala

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ma­tinding atraso ang dahilan kaya pinagbabaril at napatay ang isang pedicab driver ng hindi­ pa nakilalang salarin sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-on-ar­rival sa Gat Andres Hospital ang biktimang kinilalang si Jomar dela Cruz, 24; at residente ng Happyland, Brgy. 105, Zone 8, Binondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:55 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa tapat ng Stylish Commercial sa panulukan ng C.M Recto at C. Planas, Binondo, Maynila.

Naglalakad lamang umano ang biktima nang tabihan ng armadong suspect. Nagawa pang makatakbo ng biktima nang makita ang suspect su­balit nasapul siya ng paputukan. Bumagsak ang biktima at muli siyang pinaputukan ng ilang ulit sa bahagi ng kata­wan saka iniwang nakabulagta.

Naniniwala ang pulisya na kilala ng nasawi ang suspect, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

BINONDO

BRGY

BUMAGSAK

CRUZ

GAT ANDRES HOSPITAL

HAPPYLAND

M RECTO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

STYLISH COMMERCIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with