^

Metro

Trader itinumba

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa ulo na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan ang isang negosyante ng isang lalaki na isa sa mga most wanted criminal sa lungsod ng Muntinlupa kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Romeo Cabiling Sr., 53, ng Ilaya St., Brgy. Alabang ng nabanggit na lungsod. Hindi na ito umabot pang buhay makaraang isugod sa Alabang Medical Center.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa suspek na si Manny Picardal “alias Didong”, ng San Guillermo St., Brgy. Putatan ng nabanggit na siyudad na sinasabing   isa sa mga most wanted criminal sa lungsod dahil sa kaso nitong murder na nakabinbin ngayon sa Muntinlupa City Regional Trial Court, Branch 206.

Ayon sa imbestigasyon ni SP01 Rodel Torres, ng Station Investigation Division (SID), Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga, malapit sa bahay ng biktima sa kahabaan ng Ilaya St. ng nabanggit na lungsod kung saan biglang sumulpot sa harapan nito ang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabi itong pinaputukan sa ulo ng malapitan.

Duguang bumulagta ang biktima habang ang suspek naman ay mabilis na tumakas sakay sa isang tricycle. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naganap na krimen.

ALABANG MEDICAL CENTER

BRGY

ILAYA ST.

MANNY PICARDAL

MUNTINLUPA CITY POLICE

MUNTINLUPA CITY REGIONAL TRIAL COURT

RODEL TORRES

ROMEO CABILING SR.

SAN GUILLERMO ST.

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with