^

Metro

Tomboy hulog, lasog sa dump truck

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na pahinanteng tomboy ang nasawi noon din nang aksidenteng mahulog sa sinasakyan nitong garbage dump truck at magulungan pa ng naturang sasakyan kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Kinilala ni Chief Insp. Maximo Sabio, hepe ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang biktimang si Eden Bunao, tubong-Albay at nakatira sa Empire Hilltop, Brgy. Payatas, Quezon City.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng dumptruck na si Marion C. Lorenzo, 25 .

Base sa report, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insi­dente sa may Commonwealth Avenu­e, Quezon City. 

Galing umano sa Tandang Sora ang nasabing truck ng basura na minamaneho ni Lorenzo patungo sa IBP Road at habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue partikular sa kanto ng Batasan Hills ay bigla na lamang nawalan ng balanse si Bunao at saka nahulog sa kalsada.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon, nang bumagsak ang biktima sa ibaba sa bangketa ay nagulungan pa siya ng sasakyan na naging sanhi ng kanyang kamatayan bunga ng pagkalasog ng kanyang katawan sa insidente.

vuukle comment

BATASAN HILLS

CHIEF INSP

COMMONWEALTH AVENU

COMMONWEALTH AVENUE

EDEN BUNAO

LORENZO

MARION C

MAXIMO SABIO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with