^

Metro

Dalaga utas sa selosong boyfriend

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang 30-anyos na dalaga ng kanyang boyfriend matapos magtalo dahil sa matinding pagseselos ng huli kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Pre­sident Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktimang si Debralyn Joy Panferada, ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong dalawang saksak sa leeg.

Hinahanting naman ng mga kagawad ng Caloocan City Police ang suspek na si Ric Michael Alquisola, 28, residente ng Del Pan, Tondo, Manila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng umaga sa bahay ng biktima sa Libis Espina St., Caloocan City matapos na ihatid ng suspect sa bahay ang una. Pauwi pa lamang ay nagtatalo na ang dalawa dahil sa matinding pagseselos ng lalaki.

Pagdating sa loob ng bahay kinuha ng suspek ang cellphone at i-pod ng dalaga bago winasak.

Lalong tumindi ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspek at dalawang beses na sinaksak ang nobya sa leeg.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa nabanggit na ospital ang biktima ng kanyang mga kaanak, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DEBRALYN JOY PANFERADA

DEL PAN

DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

HINAHANTING

LALONG

LIBIS ESPINA ST.

MATAPOS

RIC MICHAEL ALQUISOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with