MANILA, Philippines - Suspendido ngayong Biyernes ang “number coding scheme” sa Quezon City matapos ideklara ng pamahalaan ang “special working holiday” sa lungsod.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na epektibo naman ang number coding sa ibang mga lungsod kung saan bawal sa mga lansangan ang mga sasakyan na plakang nagtatapos sa numero 9 at 0 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Bukod sa Quezon City, special holiday rin sa lalawigan ng Quezon at Aurora Province base sa Republic Act 6794 na nagdedeklara sa August 19 na araw ng kapanganakan ni dating Pangulong Manuel Quezon na isang holiday.