^

Metro

QC gov't 'umaaray' na sa malaking gastos sa gasolina ng pulisya

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ang Quezon City Police umano ang may pinakamalaking gastos sa gasolina mula sa pamahalaang lungsod. Ayon kay QC City Administrator Victor Endriga , ang QC police ang may pinakamataas na halaga ng gastos ng gasoline sa lokal na pamahalaan na umaabot sa P7 milyon kada isang buwan, mas mataas pa sa gastos ng city government.

Hinikayat nito ang pamunuan ng QC police na doblehin ang sipag sa pagsawata sa mga krimen sa lungsod dahil kumpleto naman anya ang tulong ng lokal na pamahalaan sa mga ito tulad ng financial assistance, mobile cars at armas­. Sinabi din ni Endriga na sa Kampo Crame gas station na lamang­ nila ngayon pinagagamit ang gas card na inisyu ng city govt sa mga pulis QC para malimitahan ang paggamit nito at matiyak na ang makakargahan ay lehitimong sasakyan gamit sa trabaho at hindi ang personal na sasakyan ng mga ito.

Una rito, naunsyami si QC Mayor Herbert Bautista sa laki ng gastos ng QC government sa QC police na dapat sana ay umasa ito sa PNP ng gastusin, na sa kabila ng malaking ayuda ng lokal na pamahalaan dito ay hindi naman masupil ng mga ito ang mga kasong nagaganap sa lungsod tulad ng carjacking at iba pa.

vuukle comment

ANG QUEZON CITY POLICE

AYON

CITY

CITY ADMINISTRATOR VICTOR ENDRIGA

ENDRIGA

GASTOS

HINIKAYAT

KAMPO CRAME

MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with