2,000 'nakaw' na piyesa ng mga sasakyan nasamsam
MANILA, Philippines - May kabuuang 2 libong piyesa ng sasakyan ang nasamsam ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkasunod na pagsalakay sa mga tindahan ng mga spare parts ng kotse na bagsakan ng mga iligal sa lungsod, ayon sa pulisya kahapon. Ayon kay Police Supt. Norberto Babagay, hepe ng Police Station 11, ang pagsalakay ay ginawa sa may Bana Visayan area na matatagpuan sa Familia St., Brgy. Tatalon, na pag-aari ng isang alyas Weng at Bogs Teologo.
Kasunod umano ito ng tindahan na sinalakay nila sa may bahagi naman ng Cardis St., corner Banawe, sa nasabi ring barangay. Karamihan sa mga nasamsam ay mga side mirror, stop lights, head lights, at hub gab na iligal na ibinibenta ng mga naturang tindahan sa mga walk -in customers.
Ang mga naturang piyesa ay mula sa mamahaling kotse tulad ng BMW, Honda, Ford, Nissan at Toyota. Nauna rito ang pagsalakay na ginawa ng tropa sa may Cardis Banawe na nakasamsam ng mahigit sa 1,500 na piyesa ng nasabing mga sasakyan.
- Latest
- Trending