^

Metro

Parak cop, 4 pa huli sa gun running

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Lima katao kabilang ang isang bagitong pulis ang ina­resto ng mga operatiba ng Headquarters Support Ser­vice­ (HSS) at PNP-CIDG   ka­ugnay ng pagkakasangkot sa ilegal na aktibidades ng gun running sa isinagawang ope­rasyon sa Camp Crame at Cubao, Quezon City, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni PNP-CIDG chief P/Director Samuel Pagdilao Jr. ang nasakoteng parak na si PO1 Jerome Javier, 26, ng Maligaya Park Subdivision, Caloocan City; Jordan Abero, 26; Virgilio Catangay, 48; Arnold Valencia, 33 at Flor Beros, 39.

Nakumpiskahan rin si Ja­vier ng tatlong cal. 45 pistol, apat na magazine ng cal. 45; extra barrel ng cal 45 silencer at mga bala.

Ayon kay Pagdilao si Ja­vier ay nasakote sa loob ng Police Non-Commissioned Officer (PNCO) quarter sa Camp Crame dakong alas-12 ng tanghali noong linggo habang nagbebenta ng cal .45 pistol na gawa sa Cebu sa tatlong sibilyan.

Sa interogasyon ay inamin ni Javier sa mga imbestigador na ang kanyang supplier ay isang alyas Ate Flor na natukoy na si Flor Beros.

Nagsagawa naman ng entrapment operations ang mga pulis sa isang parking area sa Edsa, Cubao, Quezon City laban kay Beros na nasakote at nasamsaman ng isang cal. 45 pistol at iba pang accessories ng baril na binalot nito sa diyaryo.

Ikinanta naman ni Beros sa mga awtoridad na isang alyas Kalbo ang lider ng gun running syndicates na kani­yang kinabibilangan. Sa isinagawang follow up operations ay nasakote naman ang iba pa sa mga suspect.

ARNOLD VALENCIA

ATE FLOR

BEROS

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

CUBAO

FLOR BEROS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with