^

Metro

Dahil sa balot, lolo natigok

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil sa itlog na balot, sinaksak at napatay ng isang vendor ang isang 59-anyos na lolo makaraang bumili ang biktima sa misis ng una, kahapon sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa pagamutan ang biktimang si Juan Salva, ng 9th Avenue, Grace Park ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong malalim na saksak sa dibdib. Samantala, mabilis namang tumakas ang suspek na kinilala lamang sa pangalang alyas “Batoy”, isang balot vendor.

Naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid na lumabas ng kanilang bahay si Salva para bumili ng balot kung saan ang napagbilhan nito ay ang asawa ng suspek at habang kumakain ng balot ay kinakausap ng biktima ang misis ng huli. Nakita ng suspek ang ginawang pakikipag-usap ng biktima sa kanyang asawa dahilan upang magselos ito kaya’t lumapit ito kay Salva sabay bunot sa dalang patalim at walang sabi-sabing sinaksak ang biktima. Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek, habang ang biktima naman ay dinala sa nabanggit na paga­mutan ng kanyang mga kaanak subalit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

BATOY

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

DAHIL

GRACE PARK

JUAN SALVA

MATAPOS

NABATID

NAGANAP

SALVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with