^

Metro

Brgy. kagawad sugatan sa holdap

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang barangay kagawad makaraang hol­dapin at barilin ng riding-in-tandem kahapon ng tanghali sa Pasay City. Kinilala ang biktima na si Rolando Disaville, 42, ng Ino­cencio St., ng nabanggit na lungsod, ginagamot ito sa Manila Sanitarium Hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang balikat at hita. Sa inisyal na report, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng tanghali sa JRL Eatery, sa kahabaan ng Inocencio St., ng nabanggit na siyudad. Nabatid, na habang nakaupo ang biktima sa nabanggit na lugar, hindi nito namalayan ang pagsulpot ng mga suspek na   nakasakay sa isang kulay itim na motorsiklo. Bu­maba ang mga suspek at pinaputukan ang nabanggit na biktima at sabay na kinuha ang kuwintas nito, duguang bumag­sak ang biktima, dahilan upang isugod ito ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na pagamutan habang mabilis naman­g tumakas ang mga suspek dala ang kuwintas ng nasawi na nagkakahala ng P50,000.

vuukle comment

DISAVILLE

INO

INOCENCIO ST.

KINILALA

MANILA SANITARIUM HOSPITAL

NABANGGIT

NABATID

PASAY CITY

SUGATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with