Chinese trader kritikal sa holdap

MANILA, Philippines - Isang Chinese national trader ang nasa kritikal na kondisyon matapos barilin at tangayin ang bag nito na naglalaman ng mil­yong piso ng hindi pa kilalang mga suspek kahapon ng umaga sa Pasay City. Nikilala ang biktima na si Rolando Tan, 45, may-ari ng isang noodle factory at residente ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa katawan.

Tinangay umano ng mga suspek ang dalang shoulder bag ng biktima na naglalaman ng P.3 milyong cash na ayon sa asawa ng biktima na si Milagros Tan ay pambayad sa kanilang mga pagkakautang.

Batay sa report, kalalabas pa lamang ni Tan sa kanilang tinitirhang apartment, sakay ng minamanehong Toyota Revo dakong alas-9:20 ng umaga nang salubungin at pagbabarilin ng isa sa mga suspek. Ayon sa saksing si Rosalie Villanueva, 55, vendor ng sampaguita, apat na araw na niyang nakikita ang mga suspek sa isang tindahan na malapit sa bahay ng biktima na tila nagmamanman. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang nabanggit na insidente.

Show comments