^

Metro

OVI trap sa lamok, ikinalat sa QC

- Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipinakalat na ng QC govern­ment kasama ang De­partment of Science and Techno­logy (DOST) at Department of Health (DOH) ang 3,000 ovi/larvicidal trap (OVI trap) sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue.

Ayon kay Dra. Antonieta Inumerab­le, QC Health Officer, ang OVI trap ay isang Filipino made organic trap system na inilalagay sa tubig na posibleng pamugaran ng lamok na nagtataglay ng dengue.

Oras aniya na mailagay ang ovi larvicidal trap ay agad nang mamatay ang itlog at larva ng lamok.

Ilan sa mga lugar na itinuturing na priority ng QC govern­ment ang Barangay Bagbag, San Bartolome, Gulod, Commonwealth, Batasan Hills at Holy Spirit na rito naitala ang mataas na kaso ng dengue.

Ayon kay Inumberable, nasa alert threshold level na ngayon ang QC government na ibig sabihin ay pinapayuhan ang lahat ng mga residente na maglinis ng bakuran dahil sa tumataas na kaso ng dengue.

Base sa pinakahuling talaan ng QC health department, hanggang noong August 4,2011 pumalo na sa 3,161 na kaso ng dengue mula buwan ng Enero, kung saan mas mataas ito sa 1,264 na kaso ng dengue na naitala sa kaparehong mga buwan ng nakaraang taon.

Umakyat na rin sa 23 katao ang namamatay ngayong taon dahil sa dengue kumpara sa 13 katao na namatay noong 2010 sa kaparehong period.   

ANTONIETA INUMERAB

AYON

BARANGAY BAGBAG

BATASAN HILLS

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH OFFICER

HOLY SPIRIT

SAN BARTOLOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with