^

Metro

2 lalaki umihi sa gulong ng SUV inutas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Magsisilbing babala na para sa mga lalaking mahilig umihi sa gulong ng nakaparadang sasakyan ang pagkamatay ng dalawang lalaki na pinagbabaril ng may-ari ng isang sports utility vehicle (SUV)  na nairita sa ginawang pag-ihi sa kanyang sasakyan sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg,  hepe ng MPD-Homicide Section, dead-on-the-spot ang biktimang si Manuel Evangelista, ng no. 964 Leyte St., Sampaloc, Maynila habang sa Jose Reyes Memorial Medical Center  (JRMMC) na binawian ng buhay ang biktimang si Manuel Gorospe 36, ng no. 1639 Kundiman St., Sampaloc, Maynila.

Nagsasagawa na ng beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO) si PO2 Jose Gumilan, may hawak ng kaso, para matukoy ang pagkakakilanlan ng ‘gunman’ na nagmamaneho ng kulay itim na Toyota Fortuner (PDU-942) na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Naganap ang insidente dakong alas-11:30, kama­kalawa ng gabi sa harapan ng isang Washerers Laun­dro­mat sa Paquita St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na umihi si Evange­lista sa gulong ng Toyota Fortuner na ikinairita naman ng suspect kaya sinita ang mga biktima na kasama pa umano ang isang Rommel­ Laviz, na residente ng #1116 I. delos Reyes St., Sampaloc.

Bumunot umano ng baril ang suspect at pinaputukan ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon pa sa impormasyon, dumayo lamang ang suspect para maglaro ng basketball.

Narekober sa pinangya­rihan ng krimen ang 10 basyo ng bala ng .9 mm. ka­­libreng baril.

Naniniwala si Macaraeg na madaling matutukoy ang suspect dahil sa plaka ng sasakyan nito na nakuha ng mga kasamahan ng biktima.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

AYON

HOMICIDE SECTION

JOSE GUMILAN

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KUNDIMAN ST.

MAYNILA

SHY

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with