^

Metro

61 express lanes, binuksan ng QC vs dengue cases

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Binuksan ng Quezon City health department  ang dengue express lanes sa 61 health centers sa QC upang mabigyan ng kagyat na  medical attention ang mga pinaghihinalaang may dengue lalo na ang mga naka­tira sa mga barangay na nasa ilalim ng alert threshold level. 

Sa ngayon, isinailalim ng  city health department sa ilalim ng  strict monitoring ang apat na  barangays sa District 2 na sinasabing may pinaka maraming bilang ng kaso ng dengue sa unang pitong buwan ng taong kasalukuyan tulad ng Barangay Bagbag, San Bartolome, Commonwealth at Batasan Hills.

 Ayon kay QC  health officer Antonieta Inume­rable, sa 173 dengue cases, dalawa na ang namatay sa  Barangay Bagbag mula Enero hanggang Agosto  4 habang sa  San Bartolome na  may  168 cases ay may isa na ang namatay.

Ang Brgy. Commonwealth ay may 146 kaso at dalawa dito ay namatay samantalang ang Brgy.  Batasan Hills ay may  146 dengue cases at tatlo ang namatay dito.                  

Mula Enero hanggang Agosto 4 ng taong ito, ang city health department ay nakapagtala ng  3,161 dengue cases o may  146.2 percent na mas mataas sa  1, 284 cases na naitala sa kapa­rehong period ng 2010

Una rito, muling pinaalalahanan ni QC  Mayor Herbert Bautista ang mga taga QC na ugaliing linisin ang mga paligid upang maiwasan na magkaroon ng breeding grounds  ang mga lamok araw na may dalang dengue at hindi na madagdagan pa ang kaso ng dengue sa QC.

AGOSTO

ANG BRGY

ANTONIETA INUME

BARANGAY BAGBAG

BATASAN HILLS

DENGUE

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MULA ENERO

SAN BARTOLOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with