^

Metro

Binata kinatay ng mag-ama

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 32-anyos na binata nang pagtulungang saksakin ng mag-ama, habang kumakain sa isang ka­rinderya sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide section, ang biktimang si Cesar Doronio, walang trabaho at walang permanenteng tirahan na namamalagi lamang umano sa bangketa sa panulukan ng Reyes at Carpenas Sts., sa Quiapo. Tinutugis na ang isang alyas “Rudy” at di pa nakilalang anak nitong lalaki na kapwa tumakas matapos ang pana­naksak.

Sa report ni PO2 Bernardo Cayabyab, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang maganap ang pananaksak sa harapan ng Lanies Eatery sa panulukan ng Reyes at Carpena Sts., sa Quiapo. Nauna rito, kumakain ang biktima kasama ang dalawang kaibigan nang lapitan at saka nagbunot ng patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima. Nang bumulagta ang biktima ay naglakad lamang papalayo ang mga suspect. Nabatid na si alyas “Rudy” ay kaalitan ng biktima at pinanini­walaang niresbakan ang una at kinasabwat pa ang sariling anak sa pamamaslang, ani Cayabyab.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

BERNARDO CAYABYAB

CARPENA STS

CARPENAS STS

CESAR DORONIO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LANIES EATERY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

REYES

RUDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with