MANILA, Philippines - Tumaas ng walong porsiyento ang bilang ng on-line applications sa Social Security System gamit ang SSS website na www.sss.gov.ph.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. sa ngayon ang pension fund ay may kabuuang 1.2 million website users makaraan ang 90,500 employers at miyembro ay mag- enroll sa kanilang portal online sa loob lamang ng dalawang buwan.
“Recent website enhancements, such as allowing members and employers to submit online applications and collection reports, helped boost the number of registered users in the past few weeks,” pahayag ni de Quiros.
Oras na nakapag-rehistro, ang mga miyembro at employers ay may exclusive access na sila sa website features ng SSS tulad ng online viewing ng records, electronic submission ng aplikasyon, collection reports at appointment system sa SSS branches.
Kaugnay nito, nanawagan si De Quiros sa ibang mga employers na mag-register sa SSS website upang mapabilis ang pagbibigay ng benepisyu sa mga empleyado nito tulad ng pautang.