Bebot huli sa nakaw na credit card
MANILA, Philippines - Bigo ang isang 40-anyos na sales agent ng credit cards na mapasakamay ang biniling laptop computer nang mismong ang mga pulis ang nag-deliber sa kaniya, at makaharap ang tunay na may-ari ng credit card na kaniyang ginamit sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Senior Inspector Renato V. Solis, hepe ng Operation Branch ng District Special Project Unit (DSPU), ng Manila Police District ang suspect na si Melinda Moreno Asuncion, sales agent at residente ng J.P. Rizal, Paco, Maynila.
Kahapon ay isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 o Access Device Regulation Act at estafa si Asuncion base sa reklamo ng biktimang si Sitty Anisa Mauna, 28, dalaga at recruitment officer ng Fgulf Horizon International Services.
Mahigit isang linggo na umano nang magtungo ang suspect sa opisinang nabanggit at nag-alok ng credict cards sa biktima. Lingid sa kaalaman ng biktima habang kinakausap sila ay ninanakaw na ang mga nakabinbing passports ng mga aplikantre ng kanilang agency. Ipatubos pa umano ng suspect ang ilan sa ninakaw na pasaporte, nadakip ang suspect ng mga tauhan ng MPD-station 5 at nakasuhan ito sa korte subalit nakapagpiyansa.
Nitong Miyerkules ng hapon ay ipinaalam ng HSBC Bank sa biktima na ginamit na pambili ng laptop ang kanyang credit card sa pamamagitan ng online purchasing ang credit card kaya agad siyang nagsumbong sa pulisya.
Nagplano sina SPO3 Antonio Felipe, PO2 Manuel Pimentel at PO1 Virgilio Noe na sila na mismo ang magdeliber ng item na inorder ng suspect sa COMPlink at mismong ang suspect ang pumirma ng receipt delivery at nagprisinta pa ito ng pekeng SSS identification na may litrato niya at pangalan ng biktima. Dito na dinampot ang suspect na nagulat nang makita ang tunay na may-ari nq kanyang ginamit na credit card.
- Latest
- Trending