^

Metro

2 holdaper patay sa engkuwentro

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang riding in tandem matapos na makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Manila police matapos na umano’y mang­holdap sa isang babae sa Sampaloc, Maynila, kama­ka­lawa ng gabi.

Inilarawan ni SPO2 Ed Cabal ng Manila Police District-Homicide Section ang isa sa mga suspect na nasa gulang na 35-40, 5’4 ang taas, brown na stripe ang t-shirts, maong na shortpants, may tattoo sa kanang balikat na “Ran2X Bantaya” at logo na tattoo, indikasyong miyembro ng “Bahala na Gang” nakatsinelas ng pula, habang ang kasama nito ay nasa 30-35 anyos, 5’4 ang taas, payat, naka­suot ng jacket na puti, apple green na panloob na t-shirt , maong na shortpants, tsinelas na plastic (brown) at tattoo na “Clemente Sunga” sa bandang itaas ng kanang dibdib at “Tuklaw Lita” naman sa kanang itaas na bahagi ng hita. Sila ay kapwa armado ng kalibre .38 baril (paltik).

Nabatid na dakong alas-11:30 ng gabi, nang maganap ang nasabing insi­dente sa kahabaan ng Es­paña Boulevard, panulukan ng Algeciras St., sa Sampaloc.

Unang inireport na ru­mesponde ang mga tauhan ni Supt. Jemar Modequillo, sa reklamo ng isang Carmiline Palacol, 20, dalaga ng Paco, Maynila na hinoldap ng ri­ding in tandem.

Tinutukan umano siya ng baril ng dalawang suspect ha­bang nag-aabang ng masasakyang dyip sa panulukan ng Pureza at Ramon Magsaysay Bou­levard sakop ng Sampaloc.

Namataan naman ang da­lawang suspect na sakay ng Sym motorcycle na walang plaka at hinabol ito nina PO2 Reynaldo Olivo at PO2 Benito Casauay sa España St., imbes na sumuko ay pi­naputukan ng mga ito ang mga awtoridad dahilan para gumanti ng putok ang mga huli na ikinatama ng dalawang suspect.

vuukle comment

ALGECIRAS ST.

BENITO CASAUAY

CARMILINE PALACOL

CLEMENTE SUNGA

ED CABAL

JEMAR MODEQUILLO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with