^

Metro

Call center agent, durog sa tanker truck

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagkadurog-durog ang katawan ng isang binatang call center agent sanhi ng agad nitong kamatayan makaraang ma­bundol at maipit pa ng isang rumaragasang oil tanker truck, kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Nakilala ang nasawi na si John Gabriel Diala, ng Bautista St., Brgy. Palanan, Makati City. Nabatid na bukod sa pagkakalasog ng katawan, naputol pa ang kaliwang paa nito. Tumakas naman ang driver ng oil tanker truck na may plakang XDG-266. Sa ulat ng Pasay Traffic­ Enforcement­ Unit, naganap ang insidente pasado alas-10 ng gabi sa kahabaan ng Taft Avenue malapit sa Inquimboy St., sa naturang lungsod. Nabatid na unang nabangga ng rumaragasang trak ang sinusundan nitong Nissan bus (TYF-172) hanggang sa mawalan ng kontrol at mabangga ang tumatawid na si Diala. Nabatid na naipit pa ng trak ang katawan ng biktima sa poste ng Light Rail Transit (LRT) na dahilan lalo ng pag­kadurog nito. Inaalam naman ngayon ng mga imbestigador ang kompanya kung saan nakarehistro ang naturang trak sa Land Transportation Office (LTO) upang makilala ang naturang tumakas na driver at madakip ito.

vuukle comment

BAUTISTA ST.

INQUIMBOY ST.

JOHN GABRIEL DIALA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LIGHT RAIL TRANSIT

MAKATI CITY

NABATID

PASAY CITY

PASAY TRAFFIC

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with