^

Metro

Color coded uniforms ng TODA sa QC, igigiit

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Upang mapangalagaan ang interes at kaligtasan ng mga taga-Quezon City plano ng pa­mahalaang lungsod na ipatupad ang color coding sa uniporme para sa lahat ng mga TODA ng tricycle sa lunsod. Sa isang press conference, sinabi ni QC administrator Victor Endriga na layunin nito na mabilis ding makilala ang mga driver na inerereklamo, ang puma­pa­ sada sa hindi naman nila linya o ang mag-out of line, ga­yundin para mapigilan ang paglipana ng mga colorum na tricycle sa lungsod. Binig­yang diin ni Endriga na ang hakbang ay bunsod na rin ng mga reklamong natatanggap ng kanyang opisina na ilang mga tricycle drivers na nagsasamantala sa sobrang taas ng halaga ng singil sa pasahe. Mayroon din anyang nairereklamo na hindi nagbi­bigay ng discount sa mga mag-aaral at mga senior citizen na dapat tupdin ng mga tricycle drivers alinsunod sa batas.

vuukle comment

BINIG

ENDRIGA

MAYROON

QUEZON CITY

SHY

TRICYCLE

UPANG

VICTOR ENDRIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with